Connect with us

International

Bishop at bride binaril sa kasalan sa isang simbahan sa New Hampshire

Published

on

Image: CNN

Nauwi sa matinding tensyon ang sana’y masayang kasalan matapos mag-paulan ng bala ang isang lalaki sa gitna ng kasalan sa loob ng simbahan sa New Hampshire.

Ayon sa otoridad, nasa kustodiya na ng Pelham Police Department ang suspek na si Dale Holloway, 37 anyos, na namaril sa New England Pentecostal Church.

Kinilala ng New Hampshire Attorney General’s Office ang mga biktima na sina Bishop Stanley Choate, 75 anyos at ang bride na si Claire McMullen, 60 anyos.

Sa pahayag ni Chief Joseph Roark nakatanggap umano ang pulisya ng report bandang 10:12 ng umaga nitong Sabado na may active shooter sa naturang simbahan.

Ayon naman kay Senior Assistant Attorney General Benjamin Agati sugatan din ang 60 year old groom na si Mark Castiglione, nakaranas aniya ito ng maliit na pinsala sa ulo.

Samantala, nagpapagaling na sa ospital ang mga biktima ng nasabing insidente.

Wala namang naiulat na namatay kaugnay sa pamamaril, ayon sa mga awtoridad.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon at inaalam pa ng mga pulisya ang motibo sa krimen.

Source: https://www.wcvb.com/article/bishop-bride-shot-during-wedding-at-new-hampshire-church-officials-say/29447755

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *