Connect with us

International

APAT NA MIYEMBRO NG PAMILYA SA INDIA PATAY, MATAPOS MALUNOD DAHIL SA PAGSESELFIE

Published

on

File photo source: AAP

Nasawi ang isang bagong kasal na babae at ang tatlo nitong kaanak matapos malunod sa water reservoir dahil sa pagseselfie ayon sa pulisya sa Southern Indian state ng Tamil Nadu.

Batay sa ulat, ang nasabing mag-anak na nasa anim katao ay nakatayo habang naghahawakan ng mga kamay malapit sa Pambar dam na may hanggang bewang na taas ng tubig.

Nagtangka umanong kumuha ng selfie ang mag-pamilya nang madulas ang isa sa kanila kaya’t nahila ang iba pang kasamahan, rason kung bakit nalunod ang naturang mag-anak.

Ayon sa isang pahayagan, ang mag-asawa ay bumisita sa kanilang kamag-anak sa nasabing lugar at napagpasyahan anila na pumunta sa dam kasama ang kanilang pamilya.

Nagawa pang mailigtas ng mister ang kanyang kapatid na babae ngunit tuluyan nang naluod ang kanyang misis at iba pang kasama.

Batay sa pag-aaral ng US National Library of Medicine, ang India ang may pinakamataas na bilang ng naitala ng pagkamatay dahil sa selfie sa buong mundo.

Sinundan ito ng Russia, US at Pakistan.

Umabot  na sa 259 ang namatay dahil sa selfie sa India mula taong 2011 hanggang 2017.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *