Connect with us

International

3 PULIS SINAGIP NG TINUTUGIS NA MGA DRUG SUSPEK MULA SA LUMUBOG NA BANGKA

Published

on

Lumubog ang bangka ng tatlong pulis habang tinutugis ang mga suspek na tulak umano ng droga at maswerteng nakaligtas ang mga ito sa tulong din mismo ng mga suspek na kanilang tinutugis.

Ayon sa mga miyembro ng Spanish Civil Guard, nagsalpukan ang kanilang bangka sa kasagsagan ng operasyon na naging dahilan na mawalan ng kontrol ang tatlong pulis at tumilapon sa dagat.

Nanawagan naman ng tulong ang isang police mula sa nakaantabay na helicopter upang tulungan ang kanilang kasamahan.

Sa halip na tumakas ang mga suspek ay sinagip nila ang mga nalulunod na pulis.

Ngunit sa kabila nito ay kinailangan arestuhin ang mga ito upang panagutan ang kanilang nagawang kasalanan dahil nakitaan ang mga ito ng hinihinalang droga na nililipat sa karagatan.

Nangyari ito noong Oktubre 4 sa bansang Spain.

Via| Trainee Johncel Ningal

Source: ABS-CBN News

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *