Connect with us

International

KANSAS BAR SHOOTING: 4 PATAY, 5 SUGATAN

Published

on

Photo Courtesy: USA Today

Nasawi ang apat katao habang lima naman ang sugatan matapos ang pamamaril sa loob ng isang bar sa Kansas City, USA, araw ng Linggo.

Ayon kay Police Officer Thomas Tomasic, naganap ang pamamaril bandang 1:30 ng umaga sa Tequila KC Bar.

Sabi ng pulisya, tila nakipagtalo ang dalawang suspek sa loob ng bar bago nangyari ang insidente.

Umalis umano ang mga suspek sa bar at nang bumalik, ay may dala-dala na itong mga baril at saka nagpa-ulan ng bala sa naturang lugar.

“We think there was something that happened in the bar earlier probably. Unfortunately, they left and decided to take it to another level, came back and started shooting,” saad ni Tomasic.

Batay sa Kansas City Police pinaniniwalaang ang dalawang suspek ay pumasok sa likuran ng bar at doon nagsimulang mamaril.

Base naman sa impormasyon, nasa 40 katao ang laman ng bar sa oras ng pag-atake.

Ayon sa otoridad ang apat na lalaki na nasawi ay mga Hispanic at nasa edad 20 hanggang 50.

Gayunman, hindi naniniwala ang pulisya na ‘racialy motivated’ ang nangyaring krimen.

Samantala, kasalukuyang nagkakasa na ngayon ng manhunt ang otoridad laban sa mga suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *