Connect with us

International

EROPLANO BUMAGSAK SA UKRAINE: 5 PATAY

Published

on

Sam Chui Aviation and Travel

Limang katao ang patay matapos na bumagsak ang isang eroplano na kanilang sinasakyan sa Ukraine nitong Biyernes, batay sa ulat ng mga awtoridad.

Base sa impormasyon, sinasabing nawalan ng fuel ang Antonov-12 transport plane kaya ito ay bumagsak bago mag-stopover sa Lviv, Ukraine.

Ang nasabing eroplano ay mula sa Vigo, Spain patungo sana sa Istanbul, Turkey.

Ayon kay Ukrainian Infrastructure Minister na si Vladyslav Krykliy, limang tao ang namatay at tatlo pa ang nasugatan.

Batay naman sa ulat ng Reuters, hindi bababa sa apat na crew members ang kabilang sa mga nasawi.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *