International
WORLD’S BIGGEST TERMINAL ‘STARFISH’ AIRPORT, BINUKSAN NA SA CHINA

Published
1 year agoon

Binuksan na ang world’s largest terminal airport sa Beijing, China sa pangunguna ni Chinese President Xi Jinping kahapon, araw ng Miyerkules.
Batay sa tala, nagkakahalaga ng $11 billion (£8.8bn) ang Daxing International Airport. Kaya umano ng naturang airport na makapag-accommodate ng 72 milyong pasahero kada taon.
Ang malawak, hugis bituin o starfish na paliparan ay matatagpuan bandang 46km (29 mi) sa timog ng Tiananmen Square. Idinesenyo ito ng sikat na Iraqi-British architect na si Zaha Hadid.
Ayon sa ulat state media, ang buong paliparan ay may sukat na 700,000 square meters o katumbas ng 98 football fields. Ang di pangkaraniwang terminal building ay may limang connected concourses at mayroon itong apat na runways.
Samantala sa pagbubukas ng naturang paliparan, humanay na ang Beijing sa mga elite band of cities kabilang ang London, Paris, Tokyo at New York, na mayroong two-long haul international airports.
You may like
-
9 NA MINERO SA SUMABOG NA MINAHAN SA CHINA, PATAY; 11 NAILIGTAS
-
Thai woman, senentensyahan ng 43 taong pagkakabilanggo matapos insultuhin ang Royal Family sa Thailand
-
EROPLANONG GALING JAKARTA, PINANINIWALAANG BUMAGSAK SA DAGAT
-
Ikalawang Pinoy nasagip mula sa tumaob na cattle ship, nakilala na
-
OIL TANKER, NASUNOG SA INDIAN OCEAN, FILIPINO CREWMAN, PATAY
-
FB CEO MARK ZUCKERBERG’S WORTH: $100 BILLION