PANBANSANG PANDA. Ipinagdiwang ni Chuang Chuang ang kanyang 18th birthday sa Chiang Mai Zoo noong Aug. 6, 2018. Naging bida siya sa isang TV channel sa Thailand kung saan ipinapakita ang mga ginagawa nilang mga panda sa buong magdamag. Ilang taong namayagpag ang palabas. Namatay ang panda noong lunes matapos umano itong kumain. Litrato mula sa khaosodenglish.com
Pumanaw nitong nakaraang Lunes sa hindi pa nalalamang kadahilanan ang paboritong panda ng Thailand. Dahil dito, nagpadala ang China ng mga eksperto na magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng panda.
Si Chuang Chuang ay isang panda na mahigit 15 taon nang nakatira sa Chiang
Mai Zoo, Thailand. Ipinahiram siya ng
Chinese government sa Thailand noong 2003.
Ayon kay Wutthichai Muangmun, director ng Chiang Mai Zoo, katatapos
pa lamang ni Chuang Chuang na kumain ng dahon ng kawayan noong Lunes nang
tumayo siya at biglang nag-collapse.
Sa isang press conference, sinabi ng mga empleyado ng zoo na walang nakitang senyales ng sakit o pinsala ang panda. Dagdag pa rito, maganda naman ang lagay ng kalusugan ni Chuang Chuang ayon sa kakatapos pa lang niyang health checkup.
Ayon pa kay Kannikar Nimtrakul, ang verterinary surgeon na nagbabantay sa tirahan ni Chuang Chuang, ang mga panda raw ay karaniwang nabubuhay nang hanggang 14-20 taon.
Dahil sa pangyayari, magpapadala ang China ng mga eksperto mula sa China Conservation and Research Centre sa Chiang Mai upang maimbestigahan ang dahilan ng pagkamatay ni Chuang Chuang.
Nagpahayag naman ng pag-aalala ang mga sa Weibo, isang social media sa China na hawig sa Twitter.
“Thailand is not suitable for raising pandas,” at “they don’t treat animals as well as we think” and ilan na mga naging comment nila. Meron din namang nagmungkahi na bawiin na rin ang isa pang panda na pinahiram sa Thailand.
Mababang sex drive
Kinaaliwan ang 19 taong panda sa buong Thailand lalo na dahil sa ilang
ulit pagtatangka ng zoo na ipag-mate siya sa kanyang kapwa panda na si Lin Hui.
Dahil sa hindi talaga
nagpakita ng interes si Chuang Chuang kay Lin Hui, bumagsak sila sa paggamit ng
artificial insemination upang mabuntis si Lin Hui.
Ilang ulit na nagtangkang ang mga tagapag-alaga ni Chuang Chuang (kaliwa) na hikayatin siyang makipag-mate kay Lin Hui (kanan). Kabilang sa kanilang mga sinubok ay ang pagpapanood sa kanya ng mga bidyo ng nagtatalik na panda.
Ipinapahiram ng China ang mga panda sa iba’t ibang mga bansa upang mapaigting ang kanilang magandang ugnayan sa mga bansa.