Lumubo na sa 2,500 katao ang mga nawawala kasunod ng pananalasa ng Hurricane Dorian sa Bahamas, ayon sa tala ng National Emergency Management Agency.
Hindi
naman bababa sa 50 ang naiulat na nasawi matapos ang delubyong dulot ng bagyo.
Batay
sa tagapagsalita ng NEMA na si Carl Smith, nasa ilalim pa ng proseso ang
database, at kailangan pang marehistro ang mga pangalan ng mga taong lumikas.
“At
this point there are approximately 2,500 on the Bahamian government
register,” saad ni Smith sa isang press conference.
“This
list has not yet been checked against government records of who is staying in
shelters or who have been evacuated,” dagdag nito.
Tinatayang
2,043 na indibidwal ang nananatili sa housing sa isla ng New Providence nitong
Martes.
Pahayag
naman ni Disaster Relief and Reconstruction Committee, Chairman John Michael
Clarke, may mga plano umano na maglalagay ng 4,000 katao sa pansamantalang
pabahay sa Marsh Harbour.
“We
are right now investigating the best option for the relief centers, because
these won’t be there for weeks, these could be there for anywhere between 180
days and 365 days, depending on what we find in our assessments,” wika ni
Clarke.
Patuloy
naman ang search and rescue operations ng mga otoridad sa mga nawawala.