Published
1 year agoon
Binulabog ng pagsabog ang Kabul, Afghanistan nitong Huwebes na nagresulta sa pagkakasawi ng 10 sibilyan at pagkakasugat ng 42 na iba pa.
Ayon kay Interior Ministry spokesman Nasrat Rahimi, sira-sira rin ang nasa 12 sasakyan matapos ang pagsabog sa diplomatic area malapit sa United States Embassy.
Target umano ng Taliban ang convoy ng mga foreign forces na papasok sa Shashdarak area. Matatagpuan rin sa naturang lugar ang mga opisina ng Afghan national security authorities.
Samantala, kinondena naman ni US Ambassador John Bass ang naganap na pag-atake.
Napag-alaman din na 2 NATO service members, kabilang ang isang Americano, ang kasama sa nasawi.
Magugunitang ito na ang ikalawang serye ng pag-atake kaugnay sa preliminary US-Taliban deal ngayong linggo.
Source: https://radyo.inquirer.net/202432/10-patay-42-sugatan-sa-suicide-bombing-sa-afghanistan
6 NA ASAWA, SABAY-SABAY NABUNTIS AT PINAKASALAN NG KANILANG GWAPONG MISTER
19 sunog na mga katawan ng tao, natagpuan malapit sa border ng MEXICO-US
PINAKAMALAKING COVID-19 VACCINE FACTORY SA MUNDO NASUNOG SA INDIA, 5 PATAY
Pangalawang brand na COVID-19 vaccine EpiVacCorona ng Russia, 100% effective –Rospotrebnadzor
251 DOKTOR SA BANGLADESH NAGPOSITIBO SA COVID-19
Tatlong bansa sa Europa nakapagtala ng mahigit 500 nasawi sa COVID—19 sa magdamag