Connect with us

International

Nasunog na ‘diving boat’ sa California; 33 bangkay natagpuan at 1 nawawala

Published

on

LAtimes/Photo(AP)

SANTA BARBARA, CALIFORNIA – Umabot na sa 33 bangkay ang narekober ng mga otoridad matapos masunog ang sinasakyang ‘diving boat’ sa California at isa pa ang pinaghahanap sa ngayon.

Ayon sa mga opisyal, sakay nito ang 39 katao, na kinabibilangan ng 6 crew at 33 pasahero.

Nagawang makatalon at makalangoy ng 5 crew ngunit ang natitirang 34 sakay ay na-trap dahil tulog sila sa ilalim ng deck nang mangyari ang sunog.

SANTA BARBARA, CA – Sept. 4: Flowers for the 34 victims of the deadly Labor Day Conception boat fire cover the memorial for those lost at sea on the breakwater of the Santa Barbara Harbor, Wednesday, Sept. 4, 2019. (Karl Mondon/Bay Area News Group)

Narekober ang bangkay ng 11 babae at 9 lalaki sa lalim na 75 talampakan sa mismong pinangyarihan ng trahedya.

Ang mga katawan ng bangkay ay isasailalim sa DNA test upang matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.

Mangyari’t nasa diving excursion sa Santa Cruz Island ang bangka nang mangyari ang trahedya.

Sa ngayon, patuloy ang imbistagayon ng mga otoridad sa nangyaring trahedya.

Source: https://news.abs-cbn.com/overseas/09/05/19/33-bodies-recovered-after-california-dive-boat-disaster

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *