Nasawi ang walong batang
mag-aaral matapos na sila ay pagsasaksakin ng 40-anyos na lalaki sa central
Chinese province of Hubei sa China.
Batay sa pahayag ng local
government, nangyari ang apag-aatake alas 8 ng umaga habang papasok sa klase
ang mga mag-aaral sa Chaoyangpo Elementary School sa Hubei’s Enshi City.
Bukod sa mga napatay, may dalawang bata pa na sugatan at agad naman itong tinakbo sa pagamutan.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek, habang patuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.