Connect with us

International

7 MIYEMBRO NG ISANG PAMILYA NASAWI SA MUDSLIDE SA PAKISTAN

Published

on

Photo by: China Daily

Nasawi ang pitong miyembro ng isang pamilya sa mudslide dulot ng malakas na pag-ulan sa Kashmir, Pakistan.

Ayon sa opisyal ng pulisya na si Raja Zulqarnain, namatay ang mag-asawa at lima nitong anak nang bumagsak ang kanilang bahay makaraan sa Ajeera Village.

Maliban sa bahay ng biktima, dalawa pang bahay ang nasira dahil sa insidente.

Nangyari ang nasabing mudslide malapit sa militarized Line of Control sa Rawla Kot district.

Ang pag-guho ng lupa at pag-baha ay karaniwang nangyayari sa Pakistan tuwing monsoon season, lalo na sa kabundukan na ikinasasawi ng maraming tao bawat taon.

Source: The Associated Press

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *