Connect with us

International

SUICIDE BOMBING SA ISANG KASAL SA AFGHANISTAN, 62 PATAY, 182 SUGATAN

Published

on

Photo by Mohammad Ismail, Reuters

62 katao ang namatay sa suicide bombing sa isang kasal sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ng Interior Ministry na si Nusrat Rahimi, 182 na sibilyan ang sugatan sa pag-atake sa nasabing kasal sa western Kabul nitong araw ng Sabado.

Kabilang sa mga biktima ay mga kababaihan at kabataan.

Aabot naman sa 20 na indibidwal ang isinugod sa Kabul hospital ayon sa NGO emergency. 

Ang nasabing lugar ay tahanan nga karamihang Afghanistan’s Shiite Hazara minority.

Malapit din ito sa Darul Aman palace, na kung saan inaasahan na ipagdiriwang ni Pangulong Ashraf Ghani ang Araw ng Kalayaan ng Afghanistan ngayong Lunes. 

Samantala, kinondena naman ng Taliban ang nangyaring pag-atake at itinanggi ang pagkakasangkot dito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *