Connect with us

International

SANGGOL NAIWAN SA SASAKYAN SA ARIZONA; NANAY NA BUSY MAG SHOPPING, ARESTADO

Published

on

Photo: Karisma Sandoval/The Republic

Inaresto ang isang Glendale mother matapos nitong iwan ang kanyang sanggol na naka lock sa mainit na sasakyan sa isang parking lot sa Arizona.

Pahayag ng saksi sa otoridad, nag park ito malapit sa sasakyan ng ginang, Martes ng hapon nang makita nya ang sanggol na umiiyak at pawis na pawis sa loob ng naka lock na kotse.

Ayon sa 911, binasag ng rescuer ang bintana ng kotse upang mailigtas ang 15 buwan na sanggol na lalaki at kaagad naman itong ibinigay sa otoridad.

Nagmadali namang tumakbo palabas ng mall ang ina, matapos marinig ang kanyang pangalan na ina-announce sa intercom.

Salaysay ng ina sa otoridad, nilagay nya ang sanggol sa backseat at ng sya ay nag park, distracted ito umano sa tatlo pa niyang anak na nagmamadaling pumasok sa mall.

Aniya, wala syang intension na iwan ang kanyang anak sa sasakyan.

Samantala, itinurn-over ng Arizona police ang apat na bata sa kanilang ama habang ang ina ay inaresto sa suspicion of child abuse.

Kasalukuyan namang na nakakulong ang ina sa Maricopa county jail.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *