Connect with us

International

18 estudyante at 2 guro, patay sa pamamaril sa isang paaralan sa Texas

Published

on

Umabot na sa humigit-kumulang 20 ang patay, habang ang iba naman ay ginagamot pa dahil sa  pamamaril sa isang elementary school sa Texas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pumasok sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas ang gunman na kinilalang si Salvador Ramos, 18-taong gulang at walang habas na nagpapaputok ng baril sa paaralan.

Bago pa man din umano ang pamamaril sa nasabing paaralan, napatay na rin ni Salvador ang kaniyang lola.

Tinatayang ito ang pinakamadugong pamamaril sa isang U.S. grade school matapos ang naganap ring shooting incident halos 10 taon na nakalilipas sa Sandy Hook, Connecticut.

Ito rin umano ang pinakamadugong pagpaslang sa kasaysayan ng Texas, ayon kay Gov. Greg Abbott.

Napatay rin ng rumespondeng pulis ang suspek. Wala pang masabing motibo ang kapulisan sa pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon hinggil dito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *