Connect with us

Iloilo News

SINGIL SA KURYENTE NG MORE POWER ILOILO, MAS LALONG BUMABA

Published

on

Magandang Balita! Mas bumaba pa ang presyo ng kuryente ng MORE Power sa lungsod ng Iloilo.

Bilang pagsunod sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) nitong September 20, 2021 na dapat nang itigil ang pagsingil ng congestion charges, kabilang ang line rental charges na kaugnay sa nasirang NGCP submarine cable, ang MORE Power ay magpapatupad ng ilang hakbang.

Narito ang mga sumusunod:

Para sa July at August 2021 na billing months, hihintayin muna ng MORE Power ang direktiba ng ERC kung ano ang magiging hakbang at ang schedule ng implementasyon para sa ‘refund’.

Para naman sa September 2021 na billing month, babawiin ng MORE Power ang Statement of Accounts na ipinadala sa 3,000 na mga kustomer nakaraang September 20 – 22, 2021.

Maglalabas din ang kompanya ng revised billings para sa lahat na mga konsumidor.

Ang naturang revised billings ay na-adjust na ang generation charge at may total average rates para sa mga sumusunod:

Advertisement

Residential: P6.38 / kWh
Commercial: P6.11 / kWh
Power/Industrial: P6.05 / kWh