Connect with us

Iloilo News

REPORT NG ISANG DOKTOR KAUGNAY SA ADVERSE EFFECT MATAPOS MABAKUNAHAN, IPAPADALA NI MAYOR TREÑAS KAY SEC. DUQUE

Published

on

By

Ipapaabot ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kay DOH Secretary Francisco Duque III ang report ni Dr. Ludovico Jurao, infectious disease specialist ng Iloilo Doctor’s Hospital na na-stroke at nagka-blood clot siya ilang araw matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Treñas, magpapadala siya ng letter kay DOH Secretary hinggil sa report ng doktor.

“Immediately I will get a copy of his (Dr. Ludovico Jurao) letter and send it to [Health] Secretary [Francisco] Duque [III] and Usec [Leopoldo] Vega so that ma-aksyonan ‘na,” saad ng alkalde.

Mababatid na unang inihayag ni Dr. Jurao na walang aksyon na isinagawa ang DOH 6 sa kabila ng kanyang report.

Nais sanang paimbestigahan ng doktor ang nangyari para malaman kung may kinalaman ang COVID-19 vaccine sa pagkakaroon niya ng blood-clot at pagka-stroke nito.

Gayunpaman, patuloy pa ring tumutulong si Dr. Jurao sa kampanya sa COVID-19 vaccination.

Via: Aksyon Radyo

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *