Connect with us

Iloilo News

Public gatherings, muling ipagbabawal sa probinsiya ng Iloilo

Published

on

MULING IPAGBABAWAL ang public gatherings sa probinsya ng Iloilo ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.

Batay sa ulat ng contact tracing team ng probinsiya, karamihan sa mga kaso ng local COVID-19 transmission ay mula sa mga pagtitipon gaya ng birthday celebrations at mga kasal.


Ayon sa gobernador, hindi pa rin na susunod ng mga residente ang minimum health protocols katulad ng physical distancing sa mga isinasagawang pagtitipon.

Giit pa ni Defensor, suportado ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Iloilo chapter ang planong muling pagbabawal sa public gatherings.

Inaasahang magpapalabas ng Executive Order si Defensor kaugnay dito, mamayang hapon o bukas, Nobyembre 7.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”