Connect with us

Iloilo News

MORE POWER: MAS MURANG BAYARAN SA KURYENTE, AASAHAN SA SUSUNOD NA BUWAN

Published

on

By

Aasahang mas mura ang babayaran sa electricity bill ng mga konsumidor ng More Electric and Power Corporation sa susunod na buwan.

Kinumpirma ito mismo ni Ms. Kaye Eliquin, Energy Sourcing and Retail Electricity Supply Manager ng More Power.

Ayon kay Eliquin, simula nang pumalit ang More Power sa PECO bilang power distributor sa Iloilo City, binigyan sila ng isang taon na emergency power supply contract sa Panay Energy na mag-e-expire ngayong buwan.

Inihayag din ni Eliquin na majority ng power supply ng More sa susunod na buwan ay magmumula na sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o sa Unified Leyte Geothermal Power Plant na may mas murang generation rate.

Ipinaliwanag din ni Eliquin na isa sa mga factor ng pagtaas ng bill ng mga konsumidor, ay ang generation charge na binayaran ng power distributor sa kanilang power generator.

Dagdag pa niya, ang 60% ng bill component ay ang generation charge.