Connect with us

Iloilo News

MORE POWER, ISINUSULONG NA MAGING POWER DISTRIBUTION UTILITY NG PAVIA — SANGGUNIANG BAYAN

Published

on

By

Image: MORE Power/FB

ISINUSULONG ng Sangguniang bayan ng Pavia na maging power distribution utility ang More Electric & Power Corporation sa kanilang bayan.

Inihayag ni Pavia SB Member Dan Fajardo sa kanyang privilege speech na nais ng mga taga-Pavia ang serbisyo ng MORE Power katulad ng mura na bayarin sa kuryente at malimit na brownout.

Ayon kay Fajardo, P6.00 lang ang kilowatt per hour ng MORE Power habang mahigit naman sa P10.00 sa Iloilo Electric Cooperative (ILECO 1).

Dagdag pa niya, halos araw-araw ang brownout sa Pavia na nagreresulta ng pagkasira ng mga appliances.

Nagsumite na ng resolusyon si SB Member Pyt Trimañez na naglalayong mag-extend ng serbisyo ang MORE Power sa kanilang munisipalidad.

Inaprubahan naman ng Sangguniang Bayan ng Pavia ang naturang resolusyon.