Connect with us

Iloilo News

MOBILE VACCINATION SA PAVIA NAGSIMULA NA; TARGET NA MABAKUNAHAN 700 RESIDENTE

Published

on

By

Photo: RMN Iloilo

Nagsimula na ang Mobile Vaccination ngayong Lunes sa Barangay Balabag, Pavia, Iloilo na isinagawa ng Iloilo Provincial Government at Philippine Red Cross.

Aabot sa 700 residente ang target nga mabakunahan ngayong araw.

Ayon kay Dr. Soccoro Quinon, Head ng Iloilo Provincial Health Office, isinagawa nila ang mobile vaccination sa Pavia, Iloilo dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa naturang bayan na nasa 72%.

Magsasagawa rin ng vaccination program ang IPHO sa bayan ng Sta. Barbara sa Martes hanggang Biyernes.

Kabilang din ang bayan ng Sta. Barbara sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19.

Target ng probinsiya ng Iloilo na mabakunahan ang 1.4 million ng 2, 069, 653 million na total population sa Iloilo Province.

Sa ngayon nasa 342, 412 na ang nabakunahan sa probinsiya.

Nasa 15% na ang fully vaccinated o 212, 679 habang nasa 24% naman ang nakatanggap ng 1st dose.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *