Connect with us

Iloilo News

‘MASK NA LANG’: PAGSUOT NG FACE SHIELD SA ILOILO CITY, TATANGGALIN NA — TREÑAS

Published

on

By

Tatanggalin na ang pagsuot ng face shield sa lungsod ng Iloilo ayon kay Mayor Jerry Treñas.

“Sugod bwas dulaon ta na. Waay na. Depende sa imo para wala na requirements bala magsulod sa mall,” pahayag ng alkalde.


Todo Media Magazine

“Mask na lang. But it’s up to you kon gusto mo gid ya mag-face shield,” dagdag pa ni Treñas.

Saad pa ng alkalde, pinag-aaralan na ngayon ng COVID Team na tanggalin ang curfew sa lungsod simula bukas.

“We are studying the possibility of lifting the curfew starting tomorrow. The COVID team is already seriously considering the matter,” ani Treñas.

Samantala, mababatid na pabor ang karamihang miyembro ng Inter Agency Task Force (IATF) na tanggalin na ang paggamit ng face shield ayon sa Palasyo. via RMN Iloilo