Connect with us

Iloilo News

LEGANES MAYOR, NABATID NA MAY ILLEGAL CONNECTION SA KANYANG NEGOSYO: MORE POWER, MAGSASAMPA NG KASO

Published

on

MAGSASAMPA ng kaso ang MORE Power laban kay Leganes Mayor Vicente Jaen nang matuklasan na may ilegal na koneksyon ang kaniyang negosyo na emission testing sa San Pedro, Molo.

Ayon kay MORE Power President Mr. Roel Castro, maghahain sila ng legal remedies laban sa alkalde.


Nasa apprehension team pa ng MORE Power ang lahat na ebidensya na kakailanganin para sa pagsamsampa ng kaso at nakatakda itong i-turn over sa legal ng MORE.

Ayon naman sa spokesperson ng MORE Power, nakipagusap na si Leganes Mayor Jaen sa MORE Power noong Nobyembre 29.

Nahuling nag ju-jumper ang ilang establisyimento sa San Pedro, Molo noong Nobyembre 27 kasama ang negosyo ng alkalde.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”