Connect with us

Iloilo News

‘Imbes laptop, 3 bato ang laman ng box’: estudyante, na-scam online

Published

on

NAGULAT ang estudyanteng si Arthur Baylon nang makitang bato ang laman ng box sa kanyang inorder sa Lazada, imbes na laptop.

Si Baylon ay 20 taon gulang, na isang 3rd year Hospitality Management student sa isang eskwelahan sa lungsod ng Iloilo.


Ayon sa kanya, Lazada wallet ang kanyang ginamit at hindi cash on delivery, rason kung bakit nahirapan itong mabawi ang kanyang binayad.

Aniya, hindi niya inaakala na mabiktima siya ng scam.

Pahayag pa ng estudyante, P23, 699 ang kanyang binayad para sa laptop na gagamitin sana niya para sa online class.

Nagpa-blotter naman si Baylon sa Jaro Police station.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”