Connect with us

Iloilo News

Corrective maintenance sa 5 substations sa lungsod ng Iloilo, nakumpleto na ng MORE Power

Published

on

Nakumpleto na ng MORE Electric and Power Corporation ang Comprehensive Preventive maintenance sa 5 substation sa lungsod ng Iloilo.

Ayon sa tagapagsalita ng MORE Power, isinagawa ang shut down sa Mandurriao Substation kahapon, Linggo para sa corrective maintenance ng MORE Power.

Kabilang sa Preventive maintenance ang lag test ng lahat na devices at equipments, degassing, functionality test ng mga circuit breakers, at pag filter at pag palit ng oil sa on-load tap changer at main transformer.

Mahigit 16,000 litro ng langis sa 30 MVA power transformer sa Mandurriao Substation ang gagamiting filter sa tatlong cycle para maibalik ito sa normal quality, rason kung bakit kailangan ang matagal na oras ng power interruption.

Nagdagdag rin ng ilang feeder meeters sa substation para ma-monitor ang load na pinapasa sa bawat metro at sa mga distribution transformers.

Mababatid na, nilagyan ng MORE Power ng dalawang automatic circuit recloserd ang Feeder 3 sa East Baluarte Molo at Feeder 5 sa Dulonan, Arevalo.

Sa ngayon, nagdagdag din ng dalawa pang automatic circuit reclosers sa Feeder 2 sa Dungon A, at Feeder 4 sa Guzman Street, para mapabilis ang pagbalik ng kuryente sakali mang may mangyari na momentary line fault.

Nagsagawa din ng parallel line works kung saan na relocate ang 69kV lines sa ISAT-U para mapatuloy ang konstruksyon ng overpass na nagdudugtong sa 2 nilang campuses.

Sa mga nakaraang buwan, nagsagawa din ng maintenance sa substation sa Jaro, La Paz, City Proper at Molo.

Kabilang ito sa rehabilitation at pag-upgrade ng mga pasilidad ng MORE Power para sa mainam na distribusyon ng kuryente.