Connect with us

Iloilo News

BORDER CONTROL, QUARANTINE PASS AT TRAVEL MORATORIUM SA ILOILO CITY, TATANGGALIN NA SA KABILA NG PINALAWIG NA MECQ

Published

on

Image: Project Lupad

Tatanggalin na ang border control, quarantine pass at travel moratorium sa lungsod ng Iloilo simula ngayong Miyerkules, Hunyo 16, 2021.

Batay ito sa Executive Order #53 na inilabas ni Mayor Jerry Trenas.


Kaugnay nito hindi na kakailanganin ang quarantine pass kapag lalabas ng bahay.

Tatanggalin na rin ang border restriction at papayagan nang makabyahe papasok at palabas ng Iloilo ang mula sa Negros Occidental.

Samantala, mananatili naman ang mga requirements sa mga travelers na magmula sa labas ng Rehiyon 6.

Limitado naman ang movements ng mga sumusunod:

• mga senior citizens na mahigit (65) anyos ang edad
• mga 18 pababa
• Pregnant women
• Persons with comorbidities, immune-deficiencies at iba pang risk factors
• Persons with disabilities

Mananatili din ang curfew simula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw.

Patuloy naman ang pagbabawal ng pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar habang papayagan naman ang pagbebenta para sa private consumption 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”