Categories: Iloilo News

BANGKAY NG BABAE, NATAGPUAN SA LOOB NG NAKAPARADANG SASAKYAN

Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Barangay Inangayan, Sta. Barbara Martes, Oktubre 26.

Batay sa imbestigasyon ng pulis, nasa advance stage of decomposition na ang natagpuang bangkay.

Kinilala ang bangkay na si Claire Diergos, 36 anyos ng Deca Homes, Pavia na mula sa Dagsaan, Buenavista, Guimaras.

Batay sa ulat, nang buksan ang Montero Sports, nakabalot ang biktima sa isang comforter at nakalagay sa passenger seat sa likod ng sasakyan.

Ayon kay Inangayan, Sta. Barbara Punong Barangay Ricardo Bayog, nakatanggap siya ng impormasyon na nitong Oktubre 23 ng umaga, napansin na ilang residente na may nakaparadang sasakyan sa kanilang barangay.

Aniya pa, pagkagabi umano ay may namataang babae at lalaki na bumaba mula sa sasakyan.

Batay naman kay Police Major Reymond Celoso, hepe ng Sta. Barbara Police Station, may tatlong sugat sa leeg si Diergos at may sugat sa kamay na pinaniniwalaang defense wound niya.

Dagdag pa ni Celoso maaaring sa ibang lugar pinatay ang biktima at iniwan lang sa naturang barangay.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

18 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

18 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

18 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago