Connect with us

Iloilo News

Balak ng PNP Chief, na mag-deploy ng mga pulis sa mga barangay, Suportado ng ICPO

Published

on

Suportado ng Iloilo City Police Office ang plano ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan na mag-deploy ng dalawang pulis sa bawat barangay sa buong bansa.

Ayon kay ICPO Deputy City Director for Administration Police Lieutenant Colonel Alexis Relado, malaki ang maitutulong kung may mga pulis sa mga barangay para hindi na pupunta pa sa police station ang mga residente kung may mga concern ang mga ito.

Aniya sa ganitong paraan mapapalapit ang pulis sa komunidad.

Dagdag pa niya, sa ngayon, maraming pulis ang na-assign sa pakikipaglaban sa pandemya. Pero sa kabila nito, sinasagawa pa rin ng mga pulis ang kanilang iba pang obligasyon.

Samantala, wala pa umanong guidelines mula sa Camp Crame, pero kung ipapatupad ito ayon kay Relado, maghahanap ng paraan ang ICPO para mag-deploy ng pulis sa mga barangay.