Connect with us

Iloilo News

6 police trainees na babae, arestado matapos mahuling nag-iinuman sa pampublikong lugar

Published

on

INARESTO ang anim na police trainees na babae matapos umanong maaktuhang umiinom ng nakakalasing na inumin sa pampublikong lugar sa Sara, Iloilo.

Ayon sa Police Regional Office 6, nahuli ang anim na police trainees na nag-iinuman sa isang restaurant sa Brgy. Pasig, Sabado, Setyembre 12.


Ang mga nasabing pulis ang nagsasanay sa ilalim ng Basic Internal Security Operations Course.

Paglabag sa Municipal Ordinance 025-D ang isasampa sa kanila, batay naman kay Major Jose Nemias Pamplona, hepe ng Sara Police Station, sasampahan ng kasong kriminal ang mga inaresto.

Nagsumite din sila ng investigation report sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) para sa kasong administratibo na maaari ring isampa sa kanila.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”