Connect with us

Iloilo News

26 EMPLEYADO NG MORE POWER, NEGATIBO SA COVID-19

Published

on

MASAYANG inanunsyo ng MORE Power na nag-negatibo sa COVID-19 ang 26 empleyado nito na isinailalim sa RT-PCR test ng Metro Iloilo Hospital Molecular Laboratory.

Ang mga naturang empleyado ay direct contacts ng isang empleyada sa Customer Services Office (CSO) sa Hotel Del Rio na nag-positibo sa COVID nakaraang Miyerkules.


Agad agad naman silang sinailalim sa quarantine at kinuhaan ng swab sample kahapon, Huwebes at ngayong umaga, Biyernes lumabas ang resulta na lahat ay nag negatibo kabilang ang 2 empleyado ng Hotel Del Rio.

Pinalabas na sila sa quarantine facility kanina matapos bigyan ng clearance ng mga health authorities ng MORE Power na pwede na silang makauwi ngunit isasailalim pa rin sila sa 14 days home quarantine bago makabalik sa kanilang mga trabaho.

Samantala, nagbalik na sa operasyon ngayong araw ang CSO sa Hotel Del Rio matapos ang isinagawang disinfection kahapon habang limitado ang numero ng mga tao at transaksyon na pinapapasok.

Mahigpit namang pinapatupad ang mga health standard protocols.

Nagsagawa rin ng disinfection ang MORE Power sa Corporate Office, Warehouse, Trading room at Control Center sa GST Corporate Center sa Quezon st., rason kung bakit sarado ito ngaong araw.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”