Connect with us

Iloilo News

21-ANYOS NA BABAE, NAGREKLAMONG GINAHASA UMANO NG PULIS

Published

on

By

Nagreklamo ang 21-anyos na  babae matapos umanong halayin siya ng isang pulis Martes ng gabi, Nob. 30. 

Ayon kay PMAJ Jose Val Ladublan, hepe ng La Paz Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ang 21-anyos na babae bandang 10:00 ng gabi. 

Batay sa salaysay ng nagreklamo, alas 6 ng gabi nang pumasok siya sa lodging house kasama ang isang pulis. 

Base naman sa La Paz police, matagal nang magkakilala ang 21-anyos at ang pulis na inireklamo nito.

Pahayag pa ni Ladublan, nais lang umano ng babae na ipa-blotter ang nangyari at ‘undecided’ naman daw ito na magsampa ng kaso.

Isasailalim sana sa medical examination ang nasabing babae ngunit hindi umano ma-contact ang cellphone number nito batay sa pulisya.

(With reports from Aksyon Radyo Iloilo)

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *