Connect with us

Iloilo News

MAHIGPIT NA BORDER CONTROL, MULING IPAPATUPAD SA BAWAT BAYAN SA PROBINSIYA NG ILOILO — GOV. DEFENSOR

Published

on

Muling magpapatupad ng mahigpit na border control sa bawat bayan sa probinsya ng Iloilo.

Kasunod ito sa isinagawang meeting nina Iloilo Governor Toto Defensor kabilang ang Department of Interior and Local Government at mga kapulisan sa probinsya.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon, papayagan lamang na makabiyahe ang mga nagtatrabaho, mga APOR, mga emergency at essential travels.

Paalala pa ng opisyal, dapat ring iwasan ng mga residente ang pagpunta sa ibang lugar para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa ngayon, pinapa-finalize pa ng gobernador ang executive order kaugnay rito.