Connect with us

Iloilo News

PRINCIPAL, HINAMPAS AT KINAGAT UMANO SA MUKHA ANG ISANG SENIOR CITIZEN

Published

on

Photo Credits: RMN Iloilo

DUGUAN ANG MUKHA ng isang senior citizen na babae sa Brgy. Plandico, Concepcion, Iloilo matapos umanong hinampas at kinagat siya sa mukha ng isang principal.

Dumulog sa Concepcion police station kahapon ang senior citizen para magreklamo sa nangyaring insidente nitong Martes.


Kwento ng anak ng biktima may alitan aniya ang dalawa kaugnay sa hatian ng lupa.

Ayon naman sa pulisya, pumunta ang principal sa kaniyang lote para ipaayos ang daan.

Pauwi na sana ang principal nang mangyari ang kompromtasyon.

Nagreklamo ang senior citizen dahil pinutol umano ng principal ang hose ng kanilang tubig.

Dinala naman sa Sara District Hospital ang senior citizen para lapatan ng lunas.

Nabatid na mag-pinsan ang principal at asawa ng biktima.

Magsasampa rin ng kaso ang pamilya ng senior citizen laban sa principal.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *