Connect with us

Iloilo News

MORE POWER NAGBIGAY NG DONASYON NA 35 FLOWER POTS SA ILOILO CITY GOVERNMENT

Published

on

Nagbunga na ang isinagawang proyekto na bike-for-a-cause ng MORE Power Iloilo — kanina lang ay nakapagbigay na ng 35 flower pots ang MORE Power sa Iloilo City Government para sa bike lane sa lungsod ng Iloilo.

Personal na binigay ito ni MORE Power President Roel Castro kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas kaninang umaga.

Mababatid na nagsagawa ng bike-for-a-cause project ang nasabing kompanya noong Pebrero 28, 2021 na dinaluhan ng 1,407 registered participants na may kasamang 100 pesos na registration fee.

Ang 100% na nalikom na amount mula sa proyekto ay pinagawa ng concrete flower pots na nilagay sa bike lane sa Iloilo bridge sa Diversion road.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang suporta ng kompanya para mapaganda pa ang bike lanes sa sa Iloilo city.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”