Connect with us

Iloilo News

MAG-ASAWA, NATAGPUANG PATAY SA MISMONG COMPOUND NG KANILANG BAHAY SA POTOTAN, ILOILO

Published

on

Photo: Pototan MPS

Nakahandusay at wala ng buhay nang matagpuan ang mag-asawang Ticzon sa mismong compound ng kanilang bahay sa barangay Batuan, Pototan, Iloilo.

Kinilala ang mga biktima na sina Christy Ticzon, 39 anyos at Sherwin Ticzon, 43 anyos.

Ayon kay Police Staff Sergeant Amandi Caporal, imbestigador ng Pototan Police Station, patay na ang dalawa nang matagpuan ang mga ito ng kapatid ni Sherwin kaninang umaga.

Batay sa ulat, nagtatrabaho sa Ileco 2 bilang driver si Sherwin habang sa opisina naman ng Ileco 2 sa Passi City si Christy.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente para matukoy ang totoong dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *