Connect with us

Iloilo News

LISTAHAN NG MGA ELECTED OFFICIALS NA NAGNANAKAW NG KURYENTE SA MORE POWER, HININGI NG ILOILO CITY DILG

Published

on

Hiningi ng Iloilo City DILG ang listahan ng mga elected officials sa lungsod na umanoy nagnanakaw ng kuryente sa MORE Power.

Ayon kay City DILG Director Oscar Lim, utos ito mula sa DILG Regional Office 6 kasunod sa mga isinumite na special report kaugnay sa sunod-sunod na paghuli sa mga barangay officials na may illegal connection ng kuryente.

Batay kay Lim, nakadepende sa DILG Regional Office 6 ang magiging disciplinary action sa mga elected officials kung mapapatunayan na nagnanakaw sila ng kuryente.

Kasalukuyang hinihintay pa ng City DILG ang listahan ng MORE Power.

Via: RMN Iloilo

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”