Connect with us

Iloilo News

KAPITANA, NAHULING NAGNANAKAW NG KURYENTE

Published

on

By

Nahuli ng apprehension team ng MORE Power Iloilo si Kapitana Maricon Sumpio ng Brgy. Alalasan,  Lapuz na may illegal connection ng kuryenye sa kanyang bahay pasado alas 10 kaninang umaga. 

Napag-alaman na meron namang kuntador si Kapitanan Sumpio ngunit nagtataka ang MORE Power dahil umaabot lang sa average na 30 kWh ang monthly consumption nito. 

Pero halos kumpleto sa appliances ang 2 palapag na bahay nya at may 4 na aircon pa. 

Nadiskubre na may linya ng kuryente sa bahay ni Kapitana na nakatago sa tubo ng tubig at nakakonekta direkta sa secondary line ng MORE Power.  

Nakakonek din sa kanya ang bahay ng nanay at kapatid nya. 

Pinagbabaklas ng team ang nga linya ng kuryente na ginamit sa kanyang jumper.  

Pagdating ng apprehension team ng MORE Power ay pinagalitan pa ni Kapitana dahil hindi daw muna nagcocoordinate sa kanya. 

Ihahanda ng MORE Power ang mga papeles para sa isasampang kaso laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *