Connect with us

Iloilo News

MGA KONSUMIDOR NA HINDI NAKABAYAD, PINAGTULUNGANG BUGBUGIN ANG DISCONNECTION PERSONNEL NG MORE POWER

Published

on

BINUGBOG ng ilang konsumidor na hindi nakabayad ang disconnection personnel ng MORE Power sa Brgy. Javellana,  Extension, Jaro pasado alas 12 kanina. 

Ang isang suspek ay kinalalang si Joel Dofitas at ang 2 iba pa ay hindi pa nakikilala. 

Samantala ang biktima naman ay si Kevin James Cajilig. 

Ayon sa biktima, pasado alas 8 ng umaga ng sila’y dumating sa bahay at karenderya ni Dofitas subalit sinalubong sila ng mura ng asawa nito. 

Umalis ang team ng MORE Power at pagbalik nito pasado alas 12 ng tanghali ay nandoon na ang suspek.  

Kinompronta nito ang disconnection team at agad nilang pinagtulungang bugbugin ang biktima. 

Naaresto naman ng kapulisan si Dofitas at nasa kustodiya na ng Jaro PNP station.  

Base sa record ng MORE Power, umabot na sa ₱26,000 ang bayarin ni Dofitas na lumubo na dahil sa tingi-tinging pagbayad nito sa monthly billing simula pa nakaraang taon. 

5 beses na rin siyang pinadalhan ng disconnection order subalit hindi ito napuputulan ng kuryente dahil palagi nitong minumura at nagbabanta pa sa mga personnel ng MORE Power.  

Ngayong hapon, naisagawa na ang pagpuputol ng kuryente habang hinahanda na rin ang kaso laban sa kanya.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *