Connect with us

Iloilo News

KONSUMIDOR NA NAMBUGBOG SA DISCONNECTION PERSONNEL NG MORE POWER, SINAMPAHAN NA NG KASO

Published

on

By

SINAMPAHAN na ng kaso na physical injuries ang konsumidor na nambugbog sa disconnection personnel ng MORE Power kahapon ng tanghali dahil sa mahigit ₱20,000 na balanse na hindi pa nabayaran simula pa noong nakaraang taon.

Ang naaresto na suspek ay kinilalang si Joel Dofitas ng Brgy. Javellana, Extension, Jaro.

Samantala ang biktima naman ay si Kevin James Cajilig na nagtamo ng mga pasa sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.

Sa kabila ng insidente, itinuloy pa rin ng MORE Power ang pagputol ng kanilang kuryente kahapon ng hapon, Lunes.

Nagbayad naman ng utang ang pamilya Dofitas sa opisina ng MORE Power at ngayong umaga ni-reconnect naman agad ng MORE Power ang kanilang kuryente.

Natulog ng isang gabi sa kulungan ng Jaro PNP si Joel Dofitas.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *