Connect with us

Iloilo News

MAHIGIT 60 MEDICAL FRONTLINERS, NABAKUNAHAN NG SINOVAC VACCINE SA UNANG ARAW NG ROLLOUT SA ILOILO

Published

on

By

MAHIGIT 60 medical frontliners ang binakunahan ng Sinovac Vaccines sa unang araw ng rollout sa Iloilo Doctors’ Hospital kahapon, Lunes, Marso 8.

Ayon kay Dr. Ludovico Jurao, Assistant Administrator for Patient Care at Section Infection Control Committee, 61 mga personnel sa nasabing ospital ang nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

Aniya kabilang sa kanila ay mga doktor, nurses, nursing aides at mga personnel sa emergency room.

Lahad pa ng doktor, 32 sa 61 na nagpabakuna ang hindi nakaramdam ng adverse effects matapos itong maturukan ng vaccines.

Kasalukuyang hinihintay pa nila ang feedback ng ibang indibidwal kung makakaramdam ba ang mga ito ng adverse effects.

Via: Aksyon Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *