Connect with us

Iloilo News

MORE POWER ILOILO FUN RIDE, NAKAPAGTALA NG PINAKAMARAMING BIKERS NA LUMAHOK

Published

on

UMABOT sa 1,407 bikers ang nagparehistro at lumahok sa kauna-unahang Fun Ride, Fund Drive ng MORE Power na isinagawa kahapon, Linggo, Pebrero 28 sa lungsod ng Iloilo. 

Sa loob ng isang taon, ito ang pinakaraming bilang ng mga lumahok sa mga bike fun rides na isinagawa sa lungsod. 

Ito rin ang kauna-unahang pinakamahabang pila na umabot sa halos 7 kilometro. 

Sa nasabing fun ride naitala rin na ito ang pinakamalayo na umabot pa sa 28 kilometro na kung saan umikot sa 7 distrito sa lungsod. 

Ang lahat na nagparehistro ay nagbigay ng 100 pesos bilang registration fee. Binigyan naman sila ng MORE Power ng mga freebies tulad ng bags, mugs, tubig at snacks.  

Ayon sa MORE Power, ang 100% na nalikom sa registration ay bibilhin ng mga pasó na ilalagay sa gilid ng bike lane sa Iloilo Bridge para sa mas ikakaganda nito at para magbigay proteksyon na rin sa mga nagbibisikleta.  

Naghandog naman ng dagdag na kasiyahan ang pinamigay ng MORE Power na 10 mountain bikes, 4 na sakong bigas at bike accessories pagkatapos ng fun ride. 

Nagbigay din ng tig 1,000 pesos ang MORE Power sa mga lumahok na pinakamatanda na 83-anyos at pinakabata na nasa edad 7 taong gulang. 

Ang nasabing aktibidad ay kaparte sa selebrasyon ng 1 taong anibersaryo sa operasyon ng MORE Power bilang electric distribution company sa lungsod ng Iloilo.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *