Connect with us

Iloilo News

9 NA MOUNTAIN BIKES, IPAPA-RAFFLE NG MORE POWER ILOILO

Published

on

Magsasagawa ng Bike Fun Ride for a Cause sa Pebrero 28 ang MORE Power Iloilo para makatulong na mas mapaganda pa ang bike lanes sa lungsod ng Iloilo.

Ang lahat na lalahok ay magbibigay 100 pesos bilang registration fee.

Magbibigay naman ang MORE Power ng mga freebies katulad ng bag, tubig at mga snacks. 

Ayon sa MORE Power, ang 100% na malilikom na pera mula sa registration ay bibilhin para sa beautification ng mga bike lanes – katulad ng mga paso at mga tanim na ilalagay sa gilid ng bike lane sa Iloilo Bridge para mas gaganda pa ito at magbibigay proteksyon na din sa mga nagbibisekleta. 

Sa tulong naman ng mga partner companies ng MORE Power, magsasagawa ng raffle ng 9 na mountain bikes, 2 sako ng bigas at iba pang bike accessories pagkatapos ng fun ride. 

Magsisimula ang registration alas 5:00 ng umaga sa Freedom Grandstand at aalis doon ng alas 6:00 ng umaga. 

Sa nasabing bike fun ride, iikot ang lahat na lalahok sa 7 distrito na sakop ng franchise area ng MORE Power na halos 28 kilometro. 

Ang naturang aktibidad, ay kabilang sa selebrasyon ng isang taong anibersaryo ng operasyon ng MORE Power bilang electric distribution company sa lungsod ng Iloilo. 

Sa mga nais magparehistro online, maaaring bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3jX9avK

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *