Iloilo News
10 KAWANI NG PH COAST GUARD SA WESTERN VISAYAS, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Published
1 month agoon

Isinailalim sa lockdown ang tanggapan ng Philippine Coast Guard District Western Visayas sa Iloilo City matapos magpositibo sa COVID-19 ang 10 sa kanilang mga kawani.
Ayon sa tagapagsalita ng Coast Guard District Western Visayas na si Commander Edison Diaz, nakaramdam ng mga sintomas ang apat na kawani kaya naman sumailalim sila sa swab test at kinalauna’y nagpositibo.
Agad na nagsagawa ng contact tracing ang tanggapan at nadagdagan ng anim pa ang mga nagpositibo sa COVID-19.
Kasalukuyang nasa quarantine facility ng lungsod ang 10 kawani at patuloy pa ang isinasagawang contact tracing para sa mga nakasalamuha ng mga ito.
You may like
-
MGA SIMBAHAN SA MAYNILA, BALAK GAWING VACCINATION SITES NI YORME
-
METRO MANILA, HANDA NA SA COVID VACCINE ROLLOUT AYON SA MMDA
-
DOH, NAGHIHINTAY PA NG RESULTA NG VALIDATION STUDY UPANG MAPAYAGANG GAWIN ANG SALIVA COVID TEST SA IBANG LABORATORYO
-
MGA LABORATORYO SA MAYNILA, KAYANG MAG-PROSESO NG 8,000 SALIVA COVID TEST SA ISANG ARAW AYON SA PH RED CROSS
-
Pangalawang brand na COVID-19 vaccine EpiVacCorona ng Russia, 100% effective –Rospotrebnadzor
-
DISNEYLAND, MAGSISILBING KAUNA-UNAHANG MASS VACCINATION SITE NG COVID 19 SA ESTADOS UNIDOS