Connect with us

Iloilo News

12-ANYOS NA DALAGITANG DUMALO SA BIRTHDAY PARTY, GINAHASA NG 2 NIYANG CHAT MATES — MINA MPS

Published

on

Nauwi sa bangungot ang pagdalo lang ng isang 12-anyos na dalagita sa isang birthday party sa Mina, Iloilo. Ginahasa raw siya roon ng dalawa niyang chat mates.  

Ang biktima ay 12-anyos, habang ang mga suspek ang 18-anyos at 19-anyos, residente ng bayan ng Mina at New Lucena, Iloilo. 

Ayon kay Pol. Lt. Gina Fernandez, officer in charge ng Mina MPS sa isang panayam, pumunta ang biktima nitong Enero 16 sa Mina matapos siyang maanyayahan na dumalo sa birthday party ng pinsan ng isang suspek. 

Nalasing umano ang biktima sa nasabing party, at dahil wala na itong masakyan pauwi, niyaya siya ng 2 niyang chat mates na matulog sa bahay ng isang suspek.

Saad pa ni Fernandez, posibleng nagtiwala ang biktima dahil chat mates niya ang dalawang lalaki, kaya’t kahit wala umanong ibang tao sa naturang bahay, pumayag ang biktima na doon magpalipas ng gabi kasama ang 2 suspek.

Doon na nangyari ang panggagahasa, kwento ng dalagita nang makauwi na ito sa kaniyang bahay kinabukasan. 

Ang kaniyang lola lang ang kasama ng biktima sa kanilang bahay dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito. 

Isinailalim sa medical test ang 12-anyos na biktima at nag positibo ang resulta nito na ginahasa siya.

Nakahanda na ang Mina Municipal Police Station (MPS) sa kaso na isasampa sa 2 lalaki na umano’y nanggahasa sa dalagita. 

Itinanggi naman ng mga suspek ang ginawang panghahalay.

Via: Bombo Radyo Iloilo

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *