Connect with us

Iloilo News

BALON SA ILOILO, NAGLALABAS NG KRUDO

Published

on

Not the actual photo, for illustration purposes only.

Ikinagulat ng isang pamilya sa Iloilo City kamakailan ang pagtagas ng kakaibang likido mula sa kanilang balon, na animo’y krudo kung pagbabasehan ang kulay at amoy nito.

Inakala umano nilang may naglagay o nagbuhos lamang nito, subalit nabigla sila ng kinabukasan ay mayroon pa ring lumalabas na krudo mula sa loob ng balon.

Ayon naman kay Mario, isang jeepney driver sa naturang lugar, ginagamit niyang panghugas ng piyesa ng kaniyang sasakyan ang krudo mula sa balon. Ito na rin umano ang ginagamit niyang diesel sa kaniyang jeep sa buong araw. Umabot na sa halos 60 litro ng krudo ang nagamit niya mula sa balon at hindi naman umano nagkaproblema ang kaniyang sasakyan.

“Nakakatipid pa ako ng 200 pesos kada araw. ‘Yung gagastusin ko dapat sa gas station, naitatabi ko na,” dagdag pa niya.

Kinakailangang suriin pa rin kung krudo nga talaga ito, lalo na at napag-alamang walang malapit na gasolinahan o malaking establisimyentong maaring magkaroon ng tagas ng krudo malapit sa naturang balon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *