Connect with us

Iloilo News

MGA HOTELS NA NAGSAGAWA NG PRIVATE PARTIES, IPAPASARA NI MAYOR TREÑAS

Published

on

Jerry Treñas/FB

Nagbabala si Mayor Jerry Treñas na ipapasara ang mga hotels na pumayag na magsagawa ng private parties sa lungsod ng Iloilo.

Ayon sa alkalde kahit nasa modified general community quarantine ang lungsod, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga nasabing aktibidad.

Aniya, maituturing pa rin itong paglabag sa Executive Order (EO) No. 01-2021 na kakalabas lang matapos isinailalim sa MGCQ ang lungsod.

Nakatanggap din ng impormasyon ang alkalde na may mga establisyemento na nagbenta ng nakakalasing na inumin.

Napagalaman na batay sa executive order, ipinagbabawal pa rin ang pag-inom ng nakakalasing na inumin sa pampublikong lugar.

Position: Production staff Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession:It’s a zeal for reaching out through photography, communicating whether written and spoken. Principle in life: Proverbs 3:5-6: “Trust in the LORD with all thine heart; & lean not unto thine own understanding. In all thy ways acknowledge Him, & He shall direct thy paths.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *