Connect with us

Iloilo News

BIG TIME ONLINE ’SCAMMER’, TIMBOG

Published

on

Arestado ang tinuturing na ‘big time’ scammer sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Iloilo City Field Unit.

Ayon kay Pol. Major Jess Baylon ng CIDG, nagpo-post umano sa Facebook ang 31-anyos na scammer na may job opening sa isang restaurant sa Mandurriao.

Ngunit kapag nakabayad na ng processing fee ang mga aplikante agad itong nam-bablock sa Facebook.

Pahayag pa ni Baylon, batay sa isang biktima, nagbayad umano sila ng 2,500 para sa negative result ng swab test at dagdag na 300 pesos para sa uniporme ng aplikante.

Hindi bababa sa 12 katao ang nabiktima ng naturang scammer at handa itong magsampa ng kaso laban sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *