Iloilo News
Reseller at jumper ng kuryente sa Molo, Arestado

Published
2 months agoon

Inaresto ng More Electric and Power Corporation (MORE Power) ang tinuturong “reseller” at “jumpers” ng kuryente sa Barangay San Pedro, Molo.
Ayon sa Spokesperson ng More Power, kinilala ang reseller na si Dionisio Oton, residente ng naturang lugar.
Si Oton ay supplier ng illegal na koneksyon ng kuryente sa talyer na pagmamay-ari ni Erene Dioso.
Siya rin ang supplier sa Ukay-ukay at videokehan na pagmamay-ari naman ni Mina Jama. Maging sa Carwash ni Almager Jama; emission testing center ni Vicente Jaen; at bahay ni Jose Oton.
Paliwanag ni Mina Jama, hindi nila alam na illegal ang kanilang koneksyon dahil mayroon naman umano silang sariling kuntador.
Dagdag pa niya, P15 per kilowatt-hour ang kanilang binabayaran.
Samantala sa pagsisiyasat naman ng personnel ng More Power, napatunayang si Dionisio ang nagkabit ng linya.
May nakapagigay ng impormasyon sa More Power rason na nakapagsagawa sila ng validation.
Sasampahan naman ng kaso si Dionisio.
Ang pag-aresto sa ilegal na koneksyon ay resulta ng programang “Jumper Mo, Noche Buena Ko” ng MORE Power.
Sa pamamagitan ng programa, makakatanggap ng reward ang mga magtuturo kung sino man ang “reseller ” ng ilegal na koneksyon ng kuryente.
You may like
-
MORE POWER, MAGSASAGAWA NG PHOTO COMPETITION NGAYONG 2021
-
“CERTIFIED JUMPER-FREE STICKERING” INILUNSAD NG MORE POWER
-
MOBILE SUBSTATION NG MORE POWER, PINAGANA NA SA ILOILO BUSINESS PARK
-
MORE POWER AT OPISYALES NG SAN PEDRO MOLO, MAGTUTULUNGAN SA PAGSAWATA NG MGA JUMPERS
-
EO NO. 300 PARA SA IMPLEMENTASYON NG ‘LIMPYO DALANON PROGRAM’ INILABAS NA NI GOV. DEFENSOR
-
Lokal na mga produkto na layong magbigay ng re-usable masks sa komunidad sa Iloilo, suportado ng PCPC