Connect with us

Iloilo News

Pamukaw at food fest, tatanggalin sa Dinagyang 2021; online food fest, tinitingnan ng IFFI

Published

on

Tatanggalin ang Pamukaw at food festival sa Dinagyang 2021 dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ayon kay Iloilo Festivals Foundation, Inc. President Atty. Joebert Peñaflorida.

Paglilinaw ni Peñaflorida, tatanggalin na ang food fest sa mga daanan, kagaya sa Delgado at Calle Real.

Samantala, tinitingnan sa ngayon ng IFFI ang online food fest para isagawa ang home delivery.

Batay kay Peñaflorida, pinagpaplanuhan pa sa ngayon ang iba pang minor activities na hindi na kakailanganin ang malalaking pagtitipon ng mga tao.

Aniya, hindi pa pinal ang desisyon ng Committee on Side Events.

Kabilang naman sa mga aktibidad ay ang Landmark Design Contest at Dinagyang Mural Contest.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *