Connect with us

Iloilo News

MORE Power, naglunsad ng “Jumpers mo, noche buena ko” laban sa illegal na koneksyon ng elektrisidad

Published

on

Inilunsad ng MORE Electric and Power Corporation ang cash reward sa mga informant o sinumang makapagtuturo sa mga “jumpers” o ilegal na koneksyon ng kuryente sa lungsod ng Iloilo kaninang umaga, Nobyembre 21.

Ayon sa spokesperson ng MORE POWER, tinawag nila itong ‘Jumpers mo, Noche Buena ko’

Bibigyan ng reward na ₱3,000 na cash ang mga residente na magsasabi sa mga nagju-jumper para ma-validate ng team at para mahuli.

Samantala, mas malaki naman ang halaga ng reward sa informant kung may alam itong taga-More Power na nagju-jumper o 3rd party ng More Power at mga barangay officials.

Sa mga informant, maaaring magsumbong na may kasamang kompletong detalye sa contact number na 09175867377 o sa More Jumpers Facebook account.

Pangako ng MORE Power, itatago nila ang pagkakakilanlan ng informant.

Layon ng nasabing hakbang ng masugpo na ang mga illegal electrical connections sa lungsod ng Iloilo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *